HAGUPIT NI GITA | Cyclone Gita, itinuturing na pinakamalakas na bagyo na tumama sa Tonga

Tonga – Itinuturing na pinakamalakas na bagyo na tumama sa Tonga ang cyclone Gita sa loob ng mahigit 60 taon.

Nasa category four storm ang bagyo na nanalasa sa bansa sa magdamag na nagdulot ng matinding pinsala.

Maraming mga kabahayan ang nasira at malaking bahagi ng isla ang nawalan ng suplay ng kuryente na nagresulta sa deklarasyon ng state of emergency.


Ang Tonga ay binubuo ng mahigit na 170 na isla na matatagpuan sa Pacific Ocean silangan ng Fiji at hilagang bahagi ng New Zealand.

Facebook Comments