HAHABAAN | Pagpapapasa sa panukalang magpapahaba ng maternity leave, hiniling ng ilang mambabatas

Manila, Philippines – Umaapela ang ilang mambabatas na ipasa na ang panukalang magpapahaba sa maternity leave sa mga bagong panganak.

Sa ilalim ng panukalang ito, gagawin nang 100 araw ang maternity leave mula sa kasalukuyang 60 araw para sa normal delivery at 78 araw sa cesarean delivery.

Oras na maaprubahan, may opsyon ang bagong-panganak na kumuha ng karagdagang 30 araw na maternity leave pero wala na itong bayad.


Ayon kay Representative Bernadette Herrera-Dy ng bagong henerasyon party-list, nangako si House Speaker Pantaleon Alvarez na maipapasa ito ng kamara.

Nabatid na huling natalakay ang expanded maternity leave noon pang ikalawang pagbasa.

Facebook Comments