Manila, Philippines – Nagsumite na ang Board of Generals ng Armed Forces of
the Philippines ng limang pangalan ng heneral kay Pangulong Rodrigo Duterte
ito ay para pagpilian upang pumalit kay AFP Chief of Staff General Rey
Leornardo Guerrero.
Si Guerrero ay magre-retiro na sa April 24, 2018 matapos na palawigin ng
anim na buwan ang kanyang termino ng Pangulo.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, lahat ng may ranggong 3 star
general ay kasama sa lima kabilang na sina Major General Carlito Galvez
Jr., ang commander ng Western Mindanao Command, Lt. Gen. Benjamin Madrigal
Jr. Commander ng Eastern Mindanao Command at si Philippine Army Chief Lt.
Gen. Rolando Joselito Bautista.
Sa ngayon aniya ang Pangulo na ang bahalang pumili sa lima para pumalit sa
pwesto kay Guerrero.
Ang limang heneral na napiling irekomenda sa Pangulo ay dumaan sa
mabusising pag-aaral ng Board of Generals.
Aniya sinumang mapili sa mga ito ay tinitiyak niyang magaling ito para
gampanan ang pagiging pinuno ng sandatahang lakas ng Pilipinas.