Pagsabog naitala sa Brgy. Malagakit sa Pigcawayan

*Nag iwan ng malallim na crater ang explosion na nagmumula sa
pinaniniwalaang bala ng 40 mm grenade launcher sa bayan ng Pigcawayan North
Cotabato.*

*Sa panayam ng DXMY kay COP Pigcawayan CINS Reylan Mamon, pasado alas dyes
martes ng gabi ng maitala ang pagsabog sa bahagi ng Brgy. Malagakit ngunit
pasado alas sais na ng umaga kanina ng maireport sa PNP ang pangyayari.*

*Wala namang may nasaktan sa pagsabog habang nagpapatuloy ang ginagawang
imbestigasyon ng PNP sa kung sino ang maaring responsable. *


Facebook Comments