HAHARANGIN | pagharang sa no-election scenario, tiniyak ng liderato ng LP

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Liberal Party o LP President Senator Francis Kiko Pangilinan na huwag na lang ituloy ang Charter change o Cha-cha kung para lang ito sa intres ng mga pulitiko.

Pahayag ito ni Pangilinan, sa harap ng mga pangamba na magiging daan ang Cha-cha para hindi matuloy ang nakatakdang eleksyon at mapahaba pa ang termino ng mga nakapwesto ngayon sa gobyerno.

Pagtiyak ni Pangilinan, hindi nila hahayaan na mabalewala ang sagradong karapatan ng mamamayan na piliin ang kanilang napupusuan sa halalan.


Binigyang diin pa ni Pangilinan na hindi nararapat pag-usapan ang isyu ng term extension at no-election scenario habang tumataas ang presyo ng bigas at iba pang bilihin.

Giit ni Pangilinan, ang kailangan ng mamamayan ay trabaho at dagdag na sahod ng mamamayan, at hindi dagdag na termino at sweldo ng mga pulitiko.

Facebook Comments