Manila, Philippines – Hindi tatanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte sakaling hindi tanggapin ng Consultative Committee at ng kongreso ang kanynag suhestiyon na maghalal nalang ng mga bagong opisyal na siyang mamumuno sa transition government.
Ayon kay Pangulong Duterte, kung siya ang tatanungin ay ayaw niyang pamunuan ang Transition Government at ang kanyang suhestiyon sa kongreso at sa Consultative Committee ay maglagay ng probisyon sa bagong saligang batas na kailangang maghalan ng transition officials sa pagpapalit ng porma ng gobyerno.
Sinabi ni Pangulong Duterte kung hindi ito tatanggapin ay wala naman siyang magagawa dahil ito ang gusto din ng mamamayan at total naman aniya ay inihalal siya ng mamamayan hanggang 2022.
Sinabi ni Pangulong Duterte na makikinig siya sa gusto ng taumbayan.