Manila, Philippines – Handa si dating Health Sec. Enrique Ona na humarap sa senado at magbigay ng kaniyang testimonya kaugnay ng kontrobersyal sa Dengvaxia vaccine.
Ayon kay Ona na kababalik lang ng bansa mula Estados Unidos, si dating Health Sec. Janette Garin ang nagrekomenda kay dating pangulong noynoy aquino na bilhin sa Sanofi Pasteur ang Dengvaxia.
Aniya, alam na niya ang mga posibleng epekto ng Dengvaxia sa mga taong matuturukan nito na hindi pa nakakaranas ng dengue.
Pero ipinagpatuloy pa rin ng administrasyong Aquino ang pagbili nito nang hindi masinsinang pinag-aaralan ang magiging long-term effect nito.
Nabatid na nagbitiw sa pwesto si Ona noong 2014 sa kasagsagan ng pagkokonsidera ng nagdaang administrasyon ng pagbili sa Dengvaxia.
Facebook Comments