Manila, Philippines – Anim na kaso ang kakaharapin ni Ozamis City Councilor Ricardo Ardot Parojinog pagdating nito dito sa bansa mula sa Taiwan.
Ito ang sinabi ni Ozamis City Police Chief, Chief Inspector Jovie Espenido.
Aniya dalawa sa kaso ni Ardot ay murder o pagpatay na isinampa ng mga pribadong indibidwal habang ang apat na kaso ay isinampa ng PNP ito ay mga kasong illegal possesion of firearms at paglabag sa section 3 ng comprehesive dangerous drug act.
Nais naman ni Espenido na mapunta sa kanilang kustodiya si Ardot ito ay upang maisailalim ito sa interogasyon lalot sila ang may hawak sa mga kaso ng City Councilor.
Ngunit kung mapupunta naman aniya sa kustodiya ng Camp Crame ay wala namang problema dahil pulis pa rin ang gagawa ng interogasyon.
Sakali namang maibalik sa Ozamis City si Ardot sinabi ni Espenido na walang dapat na ipangamba sa seguridad nito dahil balwarte aniya ng mga Parojinog ang Ozamis City.
Hirit pa ni Espenido silang mga pulis nga ang dapat na magingat Ozamis City.
Si Ardot ay nakatakdang dumating mamayang gabi sa bansa mula sa Taiwan matapos na maaresto ng Taiwan authority doon dahil sa kasong illegal entry.
Sa ngayon aniya tinutugis pa nila ang isang Artemio Salas dating security personnel ng nasawing si Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog at asawa nitong alyas Daisy Parojinog Salas na kapatid ni Mayor Parojinog.
Aniya kabilang ang magsawa sa grupo nina Mayor Parojinog na umano ay sangkot sa transaksyon ng iligal na droga.