HAHATULAN | Hatol laban sa mga Chinese na sangkot sa floating shabu lab, ibababa ngayong araw

Tiwala ang Department of Justice (DOJ) na mahahatulang guilty ang apat na Chinese na nahuli sa tinaguriang Subic floating shabu laboratory noong July 2016.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kapag na-convict ang apat na Chinese, ito na ang unang illegal drug manufacturing conviction sa ilalim ng Duterte administration.

Magugunitang kakaupo lamang sa pwesto ng Pangulong Duterte nang masabat ang isang fishing vessel sa Subic na ginagamit na lutuan ng shabu kung saan nahuli ang apat na Chinese na sakay nito.


Facebook Comments