Hair Stylist na Wanted sa Batas, Arestado

Cauayan City, Isabela- Natimbog na ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa Municipal level sa Brgy. Antagan 1st Tumauini, Isabela.

Pasado alas 8:00 ng umaga ngayong araw, Enero 7, 2020 nang dakpin sa bisa ng warrant of arrest si Francisco Diaz, 37 taong gulang, hair stylist at residente ng nasabing barangay.

Si Diaz ay nahaharap sa kasong Statutory Acts of Lasciviousness o paglabag sa RA 7610 na tinatawag din “Special Protection of Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act”.


Ang pagsisilbi ng mandamiento de aresto kay Diaz ay sa pangunguna ni PMaj Rolando Gatan, hepe ng Tumauini Police Station na kung saan ay walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments