Hakbang ng 1Sambayan na magkaroon ng united opposition, pinuri ni VP Robredo

Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa kanyang mga tagasuporta na unawain ang iba’t ibang pananaw at paniniwala sa pulitika.

Ito ang sinabi ni Robredo kasabay ng mga hakbang ng opposition coalition na 1Sambayan na magkaroon ng united opposition para sa May 2022 elections.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, nagpapasalamat si Robredo sa mga organizers ng 1Sambayan na walang pagod na nagsusulong ng pagkakaisa.


Iginiit ni Robredo na tanggapin man niya ang nominasyon o hindi, dapat unang pagtuunan ang pandemya bago ang halalan.

Dapat may malawak na pang-unawa ang lahat kung bakit napakaraming sumusuporta sa mga ilang pulitikong tulad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pagkakaroon ng pagkakaisa ay hindi lamang sa pagkakaroon ng iisang paniniwala, pero ang pagkakaroon ng respeto sa ibang pananaw.

Matatandaang isa si Robredo sa mga nominado ng 1Sambayan bilang pangulo, kasama sina dating Senator Antonio Trillanes IV, Senator Grace Poe, Atty. Chel Diokno, Bro. Eddie Villanueva, at Batangas Representative Vilma Santos-Recto.

Tinanggihan nina Poe, Diokno, Santos ang alok ng kowalisyon habang sinabi ni Senator Joel Villanueva na walang plano ang kanyang ama na tumakbo sa mataas na posisyon sa susunod na toan.

Samantala, isang malaking karangalan naman para kay Trillanes na mapabilang sa mga nominado.

Facebook Comments