COMELEC, magtatakda ng special voters’ registration para sa mga lalaki

62

Maglulunsad ang Commission on Elections (COMELEC) ng isang special voter registration para sa lahat ng kalalakihan, bilang bahagi ng selebrasyon ng Father’s Day.

Ang Comelec-Gender and Development Office (GAD) ay magsasagawa ng tatlong araw na voters registration mula June 21 hanggang 23.


Ang mga nais magparehistro ay maaaring magtungo sa COMELEC local offices mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 hapon.

Noong nakaraang buwan, ang poll body ay nagsagawa rin ng special voters registration para sa mga kababaihan bilang pagdiriwang sa National Women’s Month.

Ang voters registration para sa May 2022 National and Local Elections ay magtatagal hanggang September 30, 2021.

Facebook Comments