Hakbang para solusyunan ang krisis ng kuryente sa Basilan, sinimulan na ng DOE

Nagsagawa na ng hakbang ang Department of Energy kasama ang matataas na opisyal ng lokal na pamahalaan ng Basilan at mga ahensya ng pamahalaan upang tugunan ang problema sa suplay ng kuryente at ang malaking utang ng Basilan Electric Cooperative (BASELCO).

Ayon sa Energy Department, para makuha ng BASELCO ang tiwala ng pamahalaan ay dapat daw mapataas nito ang koleksyon mula sa kasalukuyang 68% efficiency, bawasan ang system losses, tutukan ang indibidwal na pagkakaroon ng meter ng kuryente, pagbabawal sa sa lump-sum payments mula sa local government units (LGUs), at agarang pagputol ng serbisyo para sa mga hindi nagbabayad na customer nito.

Binigyang-diin ni Garin ang kahalagahan ng pamumuhunan, solusyon, at aktibong partisipasyon ng lahat ng sektor upang makamit ang maayos, abot-kaya, at matatag na suplay ng kuryente sa probinsya.

Plano namang humingi ng DOE ng legislative support para sa condonation ng interes sa utang ng BASELCO sa National Privacy Commission (NPC), upang magamit ang pondo sa pagsasaayos ng imprastruktura.

Ayon naman sa BASELCO, kailangan nila ng ₱807 million para sa rehabilitasyon ng mga linya ng kuryente, kung saan ₱200 million ay ipagkakaloob ng National Electrification Administration (NEA).

Samantala, kasama rin sa mga plano ang pagbuo ng 69-kV transmission lines at substations sa Isabela, Lamitan, at Maluso na sisimulan sa 2027.

Facebook Comments