Bumaba ang aktwal na halaga ng arawang sahod sa Pilipinas dahil sa taas ng inflation.
Batay ito sa datos ng IBON foundation kung saan sa 570 pesos na minimum wage sa National Capital Region (NCR) ay lumalabas na 500 pesos na lang talaga ang halaga nito.
Kwenta pa ng IBON, dapat makatanggap ng arawang sahod na 1,119 pesos o 24,333 pesos kada buwan ang isang pamilyang Pilipino sa NCR na may limang miyembro.
Mababatid na humataw sa 6.9% ang inflation rate sa bansa nitong Setyembre.
Facebook Comments