Halaga ng ayuda ng pamahalaan, nais gawing adjustable ni PBBM depende sa inflation rate

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ilang ahensya ng pamahalaan na pag-aralan ang index-based system sa pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap na pamilya.

Sa MalacaƱang press briefing, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na nais ng pangulo na maging awtomatiko ang adjustment sa ayuda, depende sa inflation o halaga ng mga bilihin sa merkado.

Ito ay upang matiyak na hindi mababawasan ang tulong pinansyal, at maging angkop ibinibigay ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga mahihirap.


Isa sa mga tinitignan na magkaroon ng reporma ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), sa pamamagitan ng self-indexing mechanism kung saan hindi na kailangang magpaalam kanino man para mag-adjust ng halaga ng ayuda.

Agad na tatapusin ng DSWD, katuwang ang National Economic Development Authority (NEDA) at Philippine Statistics Authority (PSA), ang pag-aaral at ilalatag ang rekomendasyon para maamyendahan ang ilang probisyon ng 4Ps Act.

Facebook Comments