Halaga ng ECQ ayuda na naipamahagi na ng mga LGU sa Metro Manila, umabot na sa mahigit P9-bilyon – DILG

Umabot na sa mahigit P9 bilyong pondo ang naipamahaging ayuda sa mga naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Mula ito sa alokasyong 11,256,348,000 na ibinigay ng national government na nasa P9.7 bilyon na ang naipamahaging ECQ ayuda sa ilang lugar sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, nauna nang natapos mamahagi ng naturang ayuda ang lungsod ng Caloocan at Navotas.


Natapos na rin ang lungsod ng Maynila sa kanilang payout ng ECQ ayuda noong Biyernes.

Habang ang lungsod ng Pasay, Malabon at Munisipilidad ng Pateros ay umabot pa lamang sa 98% ang pamamahagi at inaasahang makukumpleto bago matapos ang buwan ng Agosto.

Samantala, matatandaang pinalawig ng DILG ang pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng ECQ hanggang sa katapusan ng Agosto.

Facebook Comments