9.6 billion pesos at hindi 13.3 billion ang halaga ng iligal na droga na nakumpiska sa Alitagtag, Batangas.
Kung maalala, ipinagmalaki ito ni Pangulong Marcos at Interior Sec. Benjur Abalos dahil maituturing itong pinakamalaki sa kasaysayan.
Sa naging paliwanag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Spokesperson Derrick Carreon, ang 13.3 billion pesos na naunang napaulat ay pagtaya o estimate lang doon sa lugar kung saan ito nakumpiska.
Pero nang mai-turned over aniya sa PDEA laboratory service ang mga droga, lumitaw na ang actual na timbang nito ay isa punto apat na tonelada lamang.
Sa kabila nito, pinakamalaki pa rin itong bilang at halaga ng droga na nakumpiska ng mga awtoridad sa isang operasyon.
Facebook Comments