Mga Pinoy sa Dubai, pinayuhan ng Philippine Consulate na iwasan munang lumabas sa harap ng malawakang flashflood doon

Hinihimok ng Philippine Consulate sa Dubai, UAE ang mga Pilipino doon na manatili muna sa kanilang mga tahanan.

Sa harap ito ng malawakang pagbaha sa Dubai at ilang bahagi ng Middle East.

Ayon sa Konsulada, mapanganib kung lalabas sila dahil lubog sa baha ang mga kalsada at maaari rin silang ma-stranded sa loob ng mga sasakyan.


Kaugnay nito, sarado ngayong araw ang operasyon ng Philippine Consulate sa Dubai.

Marami kasing mga kalsada doon ang hindi madaanan sa ngayon dahil sa malalim na baha.

Facebook Comments