Aabot sa mahigit P110-milyong halaga ang naluging pananim sa Surallah, South Cotabato dahil sa nararanasang tagtuyot.
Anim na barangay na rin ang nagdeklara ng state of calamity matapos makaranas ng dry spell kabilang ang Little Baguio, Canahay, Upper Sepaka, Buenavista, Moloy At Tubi-Allah.
Ayon kay Surallah Municipal Disaster Risk Reduction And Management Action Officer Leonardo Ballon, nasa P100- Milyong danyos ang napinsala sa pananim na mais na galing sa 14 na barangay.
Habang P6.4 milyon naman ang nalugi sa palayan na galing sa 11 barangay dahil sa El Niño phenomenon.
Makakaranas naman ng kakulangan sa suplay ng tubig ang mga barangay ng Veterans, Talahik, Lamian, Canahay, Tubi-Alah At Little Baguio.
Sa ngayon, planong magsagawa ng food for work program ang ahensya upang matulungan ang mga apektadong mamamayan.