Halaga ng napinsala ng malakas lindol sa Northern Luzon sa sektor ng agrikultura, umabot na sa ₱3.8 milyon

Nagpapatuloy ang damage assessment ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa mga lugar sa Northern Luzon na nakararanas ng malakas na pagyanig.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na ngayon ay mayroon nang ₱3.8 milyong halaga ang napinsala na sa sektor ng agrikultura.

Habang may isang dam naman sa Cordillera ang na-damage na aabot sa halagang 4 million at ₱500,000.


Sa sektor naman ng infrastructure, sinabi ni Timbal na aabot na sa ₱48.3 milyon ang halaga ng pinsala, ₱104 milyong halaga ng pinsala sa mga national road at ₱209 milyon damage sa mga tulay.

Sa kasalukuyan ayon pa kay Timbal, mayroon nang 1,400 na bahay ang naitalang napinsala ng lindol pero inaasahan nilang aabot ito sa 4,000 dahil hindi pa tapos ang damage assessment sa mga lugar sa Northern Luzon na matinding napinsala ng lindol.

Sinabi pa ni Timbal na mayroon pa ring mga saradong kalsada sa kasalukuyan dahil nagpapatuloy pa rin ang aftershocks at iniiwasan na may mabagsakan ng mga sasakyan habang nasa daan kaya nakasara pa rin ang ilang kalsada.

Pagtitiyak din ni Timbal na nagpapatuloy ang relief operation, partikular ang pamimigay ng pagkain, tubig at mga non-food item sa mga pamilyang nawalan ng bahay at mga tumuloy sa kanilang mga kaanak na ginagawa ng mga taga-Department Social Welfare and Development (DSWD).

May standby fund din daw na aabot sa ₱323 million at ₱247 million quick response fund.

Facebook Comments