Halaga ng nasirang produkto dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang halaga ng mga napinsalang produkto dahil sa aktibidad ng Bulkang Taal.

Batay sa datos ng Department of Agriculture, umabot na sa 3.17 billion pesos ang naitalang pinsala kumpara sa 3.06 billion piso noong isang araw.

Umaabot sa 15,790 ektaryang taniman ang naapektuhan ng abo mula sa Bulkang Taal.


Nasa 55,881 na iba’t ibang uri ng alagang hayop sa mga bukirin ang namatay dahil sa ibinugang ashfall.

Batay ito sa nakumpirmang mga report na naitala ng DA mula sa mga lalawigan ng Batangas, Cavite at Laguna.

Kaugnay nito, ang Philippine Carabao Center ay naglaan na rin ng isang mobile clinic at mga gamot para sa mga hayop.

Bukod pa ito sa 2.5 toneladang pakain para sa mga baka, kalabaw, tupa at kambing, 1 toneladang corn silage at 1.5 tonelada ng tangkay ng pala.

Facebook Comments