Dalawa patay sa kaso ng pamamaril sa Plaridel, Bulacan

250

Patay ang dalawa katao matapos pagbabarilin sa Brgy. Bulihan, Plaridel, Bulacan.


 

Kinilala ni P/Lt Col Victorino Valdez, Chief of Police ng PNP Plaridel ang mga nasawi na sina Mauro Capistrano, 56 y/o, residente ng Pandi, Bulacan at Oscar Marquez, 54yo, residente ng Manatal Pandi, Bulacan.

 

Batay sa kuwento ng mga tauhan ng isang gasolinahan na sina Vincent John Garengo at Joseph Fernandez, sakay ng itim na Honda motorcycle ang dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek.

 

Bandang 11:00 kaninang umaga, dumating ang mga biktima sa lugar sakay ng puting Toyota Fortuner SUV dahil may katransaksyon sana hinggil sa bibilhing lote.

 

Habang nag uusap ang dalawa sa isang bahay kainan, dumating ang mga suspek saka pinagbabaril ang dalawa. Nagtamo ng tama ng bala sa ulo si Capistrano na nagsanhi ng agaran niyang kamatayan.

 

Nagawa pang makatakbo ni Marquez pero nahabol at paulit – ulit na pinagbabaril.

 

Mabilis na tumakas ang riding in tandem sa direksiyon ng Bustos, Bulacan. Nakuha sa crime scene ang mga basyo cal .45.




Facebook Comments