Halaga ng pinsala ng Bagyong Agaton sa sektor ng Agrikultura, sumipa na sa mahigit P3-B

Umakyat na sa ₱3-B ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa pananalasa ng Bagyong Agaton.

Batay sa datos ng Department of Agriculture-Disaster Risk Reduction Management (DA-DRRM) Operations Center, nasa mahigit 67,586 na magsasaka at mangingisda ang apektado sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, SOCCSARGEN at Caraga.

Aabot naman sa 32,039 ektarya ng agricultural areas ang nasira ng bagyo at mahigit 88,997 metric tons naman ang production loss.


Kabilang sa mga naapektuhan ay ang mga pananim na palay mais, at mga high value crops.

Asahan pang tataas ang halaga ng pinsala habang nagpapatuloy ang pagpasok ng damage report mula sa mga field offices ng DA.

Sa ngayon, Itinaas na ₱723.07-M ang tulong na ipagkakaloob ng DA para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.

Facebook Comments