Mahigit 1,000 Commuters sa Region 2, Napakinabangan ang Libreng Sakay Phase 3 ng LTFRB

Cauayan City, Isabela-Umabot na sa mahigit 1,000 mananakay sa lambak ng Cagayan ang nakinabang sa ilalim ng Service Contracting Program Phase 3 ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) Region 2.

Layunin ng programa na matulungan ang mga operator, driver, at commuter sa harap ng nararanasang pandemya na sinabayan pa ng pagtaas ng presyo ng gasolina.

Inaasahan naman na madagdagan pa ang mga ruta sa susunod na araw sa pagpapatuloy ng programa.

Makipag-ugnayan lamang sa kanilang tanggapan sa pamamagitan ng kanilang facebook page (LTFRB Region 2)o sa kanilang Project Implementation Unit (PIU).

Facebook Comments