Sumipa na sa 3.06 billion pesos ang iniwang pinsala sa sektor ng pag-aalburuto ng bulkang Taal.
Sa report ng Department of Agriculture, kabilang sa napinsala ay pananim na kape, cacao, pinya, pananim na palay at mais.
Nakapagtala naman ng ₱1.6 billion na pinsala ang sektor ng palaisdaan partikular ang mga nag-aalaga ng bangus at tilapia sa paligid ng Taal lake.
Abot sa 15,970 na ektarya ng pananim ang nasira habang 1,923 na alagang hayop ang apektado sa Calabarzon region.
Hindi naman nilinaw kung ang naturang bilang ng mga hayop ay namatay o nasugatan.
Tiniyak ng DA na may nakalaang pondong ₱21.7 million bilang ayuda sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.
Facebook Comments