Higit 200 magsasaka sa Carmen North Cotabato, CAP-RICE Beneficiaries

32

Umabot sa 283 na mga magsasaka ng palay ang nakinabang sa Cash Assistance Program for Rice o CAP-RICE mula sa limang mga barangay sa bayan ng Carmen, Cotabato.
Ikinatuwa ng mga magsasaka na kahit tig isang libo lamang ay mayroon silang natanggap na ayuda matapos na hindi sila nag qualify sa P 15,000 SureAid loan ng Department of Agriculture.
Ang CAP-RICE na inisyatiba ng Provincial Government sa pamumuno ni Governor Nancy Catamco ay pinondohan ng 22 milyong piso para sa 22,000 magsasaka ng palay sa lalawigan.
Ang pamamahagi ng tig-isang libong piso ay sinaksihan nina Dating Magpet Mayor Efren Pinol bilang representative ni Governor Catamco, Carmen Vice Mayor Ryan Talino, Board Member Jonathan Tabara at Councilor Alberto Rivera.
Lubos naman ang kasayahan ng mga befeciaries sa pinansyal na tulong mula Provincial Government.(MV)

Facebook Comments