Halaga ng pinsala sa agrikultura ng El Niño sumampa na sa mahigit P800-M — NDRRMC

Umabot na sa mahigit P800-M ang halaga ng pinsalang dulot ng El Niño sa sektor ng agrikultura.

Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Managament Council o NDRRMC ngayong araw.

Pinakamalaking naapektuhan ang Region 6 sumunod ang Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Marinduque, Romblon, at Palawan (MIMAROPA), Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon (CALABARZON) at Region 9.


Mahigit 13,000 mga magsasaka ang iniulat na apektado sa mga nabanggit na rehiyon.

Sa ulat pa ng NDRRMC, nasa 12, 500 hectares ng pananim na rin ang naapektuhan na karamihan ay mais at palay o katumbas ng 21,599 metric tons production loss.

Patuloy naman ang pagsisikap ng Department of Agriculture (DA) na magbigay ng tulong sa mga magsasaka .

Facebook Comments