Mga pulis na pumatay kay Jemboy Baltazar, hinatulan makulong ng 6 na taon

Hinatulan ng Navotas City Regional Trial Court (RTC) Branch 286 ng guilty sa kasong homicide ang isa sa anim na pulis na nasasangkot sa pagpatay sa 17-anyos na si Jemboy Baltazar.

Ito ay si Police Staff Sergeant Gerry Maliban kung saan makukulong siya ng apat hanggang anim na taon at inatasan ng korte na magbayad ng P50,000.00 para sa civil at P50,000.00 din para sa moral damages.

Guilty naman para sa kasong illegal discharge of firearms ang apat na pulis na sina Police Executive Master Sergeant Roberto Balais Jr., Police Staff Sergeant Nikko Esquilon, Police Corporal Edmard Jade Blanco at Patrolman Benedict Mangada na makukulong ng apat hanggang anim na taon.


Si Police Staff Sergeant Antonio Bugayong ay pinawalang sala ng korte.

Matatandaan na ang anim na pulis ang pumatay kay Jemboy Baltazar noong August 2023 dahil sa mistaken identity.

Ang anim na pulis ay tumakas ngunit kalaunan ay sumuko rin noong October 4, 2023.

Facebook Comments