Halaga ng pinsala sa irigasyon ng malakas na lindol umabot na sa ₱251-M ayon kay NIA Administrator Antiporda

Aabot na sa ₱251-M ang pinsala sa irigasyon matapos ang pagtama ng magnitude 7.0 na lindol sa hilagang Luzon.

Sa pulong balitaan sinabi ni National Irrigation Administration (NIA) Administrator Benny Antiporda kabilang sa napinsalang irigasyon ay sa lalawigan Ilocos Sur at Abra.

Sa ngayon ginagawan na ng paraan upang maisaayos ang mga nasira at mapakinabangan na ng mga magsasaka.


Target nila na ito ay matapos sa loob ng 45 araw.

Nabatid na nasa mahigit 2000 magsasaka ang apektado ng nasirang irigasyon sa Ilocos Sur.

600 na magsasaka naman ang apektado sa Abra.

Kasabay nito iniinpeksyon na rin ang mga dam matapos mapansin ang pagtagas ng tubig sa Magat Dam.

Nagpadala na sila ng ground penetrating radar upang masuri ang dam.

Samantala nabatid na matagal ng may tagas ang Magat Dam at meron na ring ginawang pag-aaral ang Japan International Cooperation Agency (JAICA) upang isaayos ito.

Facebook Comments