Lumobo na sa ₱1.33 billion ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa pananalasa ni Bagyong Paeng.
Sa ulat ng Department of Agriculture (DA) Disaster Risk Reduction Management (DRRM) operations center, nasa 53,849 na magsasaka at mangingisda ang apektado ng kalamidad.
Ayon sa DA, aabot na sa 66,963 metric tons ang production loss at 64,607 ektarya ng agricultural areas ang nasira.
Ang mga ulat ng pinsala ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at Soccsksargen Regions.
Asahang tataas pa ang halaga ng pinsala dahil nagpapatuloy pa ang assessment sa mga rehiyon na sinuyod ng bagyo.
Facebook Comments