Umakyat na sa 882 metriko toneladang mga pananim mula sa 1,770 ektaryang lupang sakahan ang nasira dahil sa mga naranasang pag-ulan sa Ifugao, Sultan Kudarat, Sarangani at Zamboanga del Sur.
Dahil dito, umabot na sa 37.68 milyong piso ang naitalang pinsala sa sektor.
Batay sa report ng Department of Agriculture (DA), kabilang sa mga nasira ng malawakang pag-ulan sa mga nabanggit na lugar ay ang mga pananim na palay, kopra, mga livestock at Agri facilities.
Kasunod nito, nasa mahigit 1,550 mga magsasaka ang apektado ng naturang kalamidad na kailangang mabigyan ng agarang ayuda.
Nagpapatuloy naman ang validation ng kagarawan sa iba pang mga pananim na naapektuhan din ng mga pagbaha.
Facebook Comments