DILG, hinimok ang mga bagong halal na local chief executives na makipag-partner sa mga private sector para pondohan ang mga local projects

150

Hinikayat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., ang mga Local Chief Executives (LCEs) na maging mapamaraan sa paghahanap ng pondo para sa kanilang mga proyekto.

Ayon kay Abalos, dapat ikonsidera ng mga LCEs ang pakikipag partner sa private sector para makapasok sa Build-Operate-Transfer initiative sa ilalim ng Private-Public Partnership (PPP) program.

Ito aniya ang ginamit na mekanismo noong siya ang punong lungsod ng Mandaluyong City.


Tinukoy ni Abalos ang naipatayong mga public market, slaughterhouse, recreation, parking lots at commercial complex sa Mandaluyong Marketplace na kauna unahang PPP project.

Giit ng DILG chief, dapat mag-isip out of the box ng mga gobernador at mga alkalde kung gusto nilang mapaunlad at mapalakas ang kanilang nasasakupan.

Facebook Comments