Halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ng Bagyong Goring, umaabot na sa P375-M

Umakyat na sa P375 million ang inisyal na halaga ng pinsala ng Bagyong Goring sa sektor ng agrikultura.

Sa report ng Department of Agriculture o DA-DRRM Operations Center, nasa 8,483 ang bilang ng mga magsasaka na ang naapektuhan.

Ito ay batay sa inisyal na report mula Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Western Visayas.


Nasa 16,145 na ektaryang lupain ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyo habang nasa 15,856 metric tons ang nasirang produksyon.

Kabilang sa mga lubhang napinsala ay ang palay, mais at high value crops.

Asahan naman na mas tataas pa ang halaga ng pinsala dahil na rin sa nararanasang sama ng panahon na dala ng Bagyong Hanna.

Tiniyak naman ng DA na may nakahandang ayuda ang kagawaran para sa mga apektadong magsasaka.

Kabilang dito ang P100-M halaga ng binhi ng palay, mais at assorted vegetable seeds.

Magkakaloob din ang DA ng drugs and biologics para sa livestock at poultry at ayuda sa pamamagitan ng Quick Reaction Fund ng DA.

Pinapayuhan ang mga magsasaka na makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na tanggapan ng DA para makakuha ng ayuda.

Facebook Comments