MANILA – Bumagsak ang palitan ng piso kontra dolyar sa pinakamababang antas sa loob ng pitong taon.Kahapon, nagsara ang palitan ng dolyar sa p48.25 na pinakamababa mula nang magsara ito ng 48.33 noong September 15, 2009.Ito’y sa harap na rin ng mga agam-agam ng mga investors sa mga polisiya at kampanya ng bagong administrasyon.Agad naman nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas, na ang paghina ng piso ay epekto ng paghihintay sa susunod na policy action ng federal reserve ng Estados Unidos.
Facebook Comments