Halaga ng piso kontra dolyar, bahagyang tumaas

Tumaas ng 4.5 centavos ang halaga ng piso kontra dolyar sa huling tala nitong Lunes, September 30, 2019.

Kasabay ito ng inaasahang pag-uusap ng China at Amerika ngayong buwan kaugnay ng trade war sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon sa ulat, nagtapos sa P51.83 ang halaga ng piso kontra dolyar na mas mataas kumpara sa P51.875 nitong Biyernes, September 27, 2019.


Facebook Comments