Thompson, hindi makakapaglaro sa pagbubukas ng NBA season

Hindi makakapaglaro si Golden State Warriors shooting guard Klay Thompson sa pagbubukas ng NBA Season ngayong buwan.

Kasunod ito ng tinamong torn ACL ng Warriors shooting guard sa game 6 ng NBA finals kontra Toronto Raptors nitong Hunyo.

Ayon kay General Manager Bob Myers, inaasahang tatagal ang pagpapagaling ni Thompson hanggang All-Star break sa February 2020.


Si Thompson ay nakapagtala ng 21.5 points per game sa huling Season sa ika-walong taon nito sa Warriors.

Facebook Comments