MANILA – Bumagsak ang halaga ng piso kontra dolyar sa pinakamababa nitong antas sa loob ng walong taon.Kahapon, nagsara sa 49.20 centavos ang palitan nito mula sa dating P48.95 centavos noong Biyernes .Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang pagbagsak ng halaga ng piso ay dahil sa patuloy na paglakas ng dolyar dahil sa mga inaasahang polisiya na ilalatag ng susunod na Trump Administration.December 2008 nang huling bumulusok sa 49.37 centavos ang palitan sa kasagsagan ng global financial crisis.Good news naman ito para sa mga kaanak ng mga OFW dahil pabor sa kanila ang paghina ng piso.Bukod dito, makikinabang din sa mahinang piso ang mga sektor ng Business Process Outsourcing at Turismo.Ayon sa mga eksperto, tinatayang bago matapos ang taon posibleng pumalo sa 49.50 centavos ang palitan at aabot ng hanggang P51.00 sa 2017.
Halaga Ng Piso Kontra Dolyar, Bumagsak Sa Pinakamababang Antas Sa Loob Ng Nakalipas Na Walong Taon
Facebook Comments