Tiwala si Construction Workers Solidarity Representative Edwin Gardiola na sa mga susunod na buwan ay makakabawi na ang halaga ng piso kontra sa dolyar.
Sinabi ito ni Gardiola dahil ngayon ay pumapalo na uli sa P57 mula sa P59 at P58 ang palitan ng piso sa dolyar.
Tinukoy ni Gardiola na makakatulong din sa pagpapalakas ng halaga ng piso ang lumalaking padalang dolyar ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kanilang pamilya dito sa Pilipinas.
Bunsod nito ay sinabi ni Gardiola na tataaas ang lokal na suplay ng dolyar mula November hanggang February.
Dagdag din sa lumalaking pasok ng dolyar sa bansa ang papataas na bilang ng mga dayuhang turista na bibisita sa bansa mula December hanggang summer o mula Marso hanggang Mayo.
Sabi ni Gardiola, ang pagluluwag natin ng COVID restrictions ay tiyak hihikayat ng mas maraming turista.