154, iniwang patay ng Bagyong Paeng

Sumampa na sa 154 ang napaulat na nasawi sa pananalasa ng Bagyong Paeng.

Sa datos National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga, pinakamarami sa napaulat na nasawi ay galing sa BARMM na 63.

33 ang galing sa Region 6 at Calabarzon, lima ang galing sa Region 8, tig-apat galing sa Region 9 at Region 12, tatlo ang galing sa MIMAROPA, tig-dalawa mula sa Region 2, Region 3, Region 5, Region 7 at isa mula sa Cordillera Administrative Region (CAR).


Sa nasabing bilang, 101 ang kumpirmadong nasawi na may kinalaman sa bagyo habang 53 ang for validation pa.

Maliban dito, may napaulat din na 128 nasaktan at napaulat na 35 nawawala dahil sa Bagyong Paeng.

Facebook Comments