Halaga ng piso kontra dolyar, lalo pang humina

Humina pa ang halaga ng piso kontra US dollar na maituturing na ‘weakest position’ sa loob ng tatlong taon matapos magsara ang palitan sa P53.37.

Ito na ang pinakamababang halaga ng piso sa loob ng mahigit tatlong taon mula Oktubre 31, 2018 nang magsara ito sa P53.53.

Ayon kay Rizal Commercial Banking Corporation Chief economist Michael Ricafort, lumakas ang dolyar matapos itaas ng US Federal Reserve ang funds rate nito ng hanggang 0.75 basis points na pinakamalaki simula noong 1994.


Aniya, humina rin ang piso matapos bumagsak ang PSEi sa ikatlong sunod na araw ng hanggang negative 65.45 points.

Ang naturang bilang ay pinakamababa sa loob ng sampung buwan at may kaugnayan sa overnight declines ng US at global stock markets.

Facebook Comments