Halaga ng piso kontra dolyar, lalong bumaba sa ₱54.065

Lalong bumaba ang palitan ng piso kontra dolyar, kahapon, June 20.

Base sa foreign exchange summary ng Bank Association of the Philippines (BAP), nagsara sa ₱54.065 ang halaga ng kada isang US dollar kung saan lumampas na ito sa 54-per-dollar mark.

Ito na ang pinakamababang halaga ng piso kontra dolyar mula noong October 15, 2018 kung kailan nagsara ang palitan sa ₱54 and 8 centavos.


Ayon sa mga eksperto, posibleng naapektuhan ng pagtaas ng interest rate ng federal reserve ng Amerika ang pagbaba ng halaga piso at sumabay rin ang pagbaba ng halaga ng iba pang currency sa Asya.

Posibleng may epekto rin sa palitan ng dolyar at piso ang muling pagtaas ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Facebook Comments