Pork import sa Pilipinas, posibleng umakyat sa 400,000 MT ngayong 2022

117

Posibleng umakyat sa 400,000 metric tons ang pork imports ng Pilipinas ngayong taon.

Ayon sa United States Department of Agriculture-Foreign Agricultural Service, ito ay makaraang tapyasan ang taripa sa imported na karneng baboy.

Ayon sa USDA, ang bagong forecast ay mataas kumpara sa initial projection na 375,000 metric tons ng pork imports ngayong taon.


Ang pagdami ng imported na karne ay dahil na rin sa inilabas na Executive Order (EO) 171 na nagpapataw ng mas mababang taripa sa pork imports hanggang sa katapusan ng taon.

Matatandang, pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong May 21 ang naturang kautusan na layong ibaba ang presyo at pananatilihing matatag ang supply ng karne sa bansa.

Facebook Comments