Halagang ₱1.89-B, inilaan ng Marcos administration sa electrification programs sa mahigit 1,000 sitio sa bansa

Inilaan ng Marcos administration ang halagang ₱1.89 bilyon para sa sa electrification program ng National Electrification Administration (NEA).

Target nitong mapailawan ang 1,140 sitio sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, hindi matutupad ang layuning socio-economic improvement sa mga liblib na lugar kung hindi maaabot ng supply ng kuryente ang mga komunidad na ito.


Dagdag pa ng kalihim, rason ito kung bakit sinisiguro ng pamahalaan na mapai-ilawan, kahit pa ang mga pinakamalalayong lugar saan mang sulok ng Pilipinas.

Ginagawa aniya ng Department of Energy (DOE) ang programang ito batay na rin sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na masiguro ang sustainable, secure, at abot-kayang enerhiya sa bansa lalo na sa panahon ng kalamidad at emergency.

Facebook Comments