Mga atleta, nag-courtesy call kay PBBM sa Malacañang kahapon

Nag-courtesy call kay Pangulong Bongbong Marcos sa Malacañang kahapon ang mga atleta.

Kasama ng mga atleta ang kanilang team na nang bimisita sa pangulo kahapon sa Palasyo.

Kabilang sa mga atletang ito ang mga kampyon sa boksing na sina Melvin Jerusalem, Charly Suarez, at Marlon Tapales kasama ang kanilang team.


Nag-courtesy call rin sa pangulo ang Makati Football Club at kanilang team, at si Paul Parker na kampyon sa JSSL Singapore Academy Football Tournament.

Bumisita rin sa Palasyo ang Philippine Ice Hockey team na kampyon sa 2023 Ice Hockey world.

Habang nakaharap din ng pangulo ang 2023 Stars ng Albion London Grand Prix winner na si Jex de Castro at kaniyang team.

Maging ang singer na si Jex de Castro ay bumisita rin sa Palasyo.

Dala ng mga atleta sa Palasyo ang naglalakihan nilang mga trophy at championship belts na ipinagmalaki at ipinakita sa pangulo.

Binigyan naman ng jersey ng mga atleta ang pangulo habang ang iba sa mga ito ay nagpa-authograph pa sa presidente.

Nagkaroon din ng program at group pictures ang mga atleta kasama ang pangulo.

Facebook Comments