𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝟳𝟬𝟬𝗞 𝗡𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗠𝗕𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗢𝗚 𝗡𝗚 𝗗𝗔-𝗔𝗧𝗜 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭

Para sa layuning mapaunlad ang produksyon at sa pagpaparami ng kambing sa lalawigan ng Pangasinan tinanggap ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang tulong pinansyal mula sa Department of Agriculture- Agricultural Training Institute Region 1.
Kabuuang P700, 000 na halaga na tulong pinansyal ang personal na tinanggap ng Gobernador ng Pangasinan sa pangunguna ni Gob. Guico III kasama ang bise gobernador at ang kinatawan ng OPVet mula sa nasabing ahensya.
Gagamitin ang pondong ito para sa goat production partikular sa pag procure o pagbili sa nasabing hayop o ang upgraded Doe.

Nakatakdang ilagay ang apatnapung bibilhing upgraded Doe at ilan pang hayop sa isang pasilidad ng pamahalaan sa bayan ng Mangatarem.
Sa pagbili ng mga ito, masisiguro na makakatulong ito sa food enhancement maging ng pagpapataas sa ekonomiya sa lalawigan.
Ang programa ng ito ng ahensya sa pangunguna ni ATI Center Director Rogelio Evangelista na bahagi ito ng kanilang programang Collaborative Provincial Agriculture and Fisheries Extension Network na may layuning kumonekta sa bawat pamahalaan sa lalawigan upang i abot ang nasabing tulong. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments