HALAGANG P1.65-M , IPINAGKALOOB NG DSWD SA MGA CAFGU SA CAGAYAN

Cauayan City – Ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kabuuang P1.65 milyong cash assistance sa 355 miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Units (CAFGU) sa Cagayan.

Ang ayuda ay bahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng ahensya.

Bukod sa pinansyal na tulong, namahagi rin ang DSWD ng family food packs para matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga miyembro ng CAFGU at kanilang pamilya.


Ayon sa DSWD Region II, ang pagbibigay ng ayuda ay bahagi ng kanilang patuloy na suporta sa mga indibidwal at pamilyang nasa krisis, partikular na sa mga miyembro ng CAFGU na tumutulong sa pangangalaga sa kapayapaan at kaayusan.

Tiniyak ng DSWD na ipagpapatuloy nila ang ganitong mga programa upang masiguro na natutugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga frontliner sa seguridad, pati na rin ang iba pang sektor ng lipunan na nangangailangan ng tulong.

Facebook Comments