HALAGANG P15K, NATANGGAP NG MGA KWALIPIKADONG BENEPISYARYO NG DSWD SLP SA LUNGSOD NG DAGUPAN

May halagang labinlimang libo o P15, 000 ang kabuuang natanggap ng mga kwalipikadong benepisyaryo na unang batch ng DSWD Sustainable Livelihood Program (SLP) sa lungsod ng Dagupan.
Tatlumpu’t apat na mga katao ang napamahagian ng nasabing tulong pangkabuhayan na naglalayong makapagbigay sa mga ito bilang kapital ng kanilang itatayong pangkabuhayan.
Sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development ang Sustainable Livelihood Program na layuning makatulong sa mga maliliit na negosyante.

Prayoridad naman ng nasabing programa ang mga nasa informal economy sektor o mga kumikita ng arawan tulad ng mga fish vendors, ambulant vendors, online at sari-sari store owners at iba pa.
Samantala, magkakaroon ng grant utilization monitoring na isasagawa ng DSWD katuwang ang LGU upang matiyak ang paglago ng mga negosyo ng mga benepisyaryo, ito ay ayon kay Roger Jimenez, special concerns coordinator ng SLP ng DSWD Field Office 1. | ifmnews
Facebook Comments