Ito ay sa pamamagitan ng isinagawang consultative assembly and Stakeholders Planning para sa pagpapalago at promosyon ng halal industry sa syudad na pinangasiwaan ng Cotabato city government at dinaluhan ng kanilang partners mula sa pribadong sektor.
Sa naturang asembleya na ginanap kamakalawa sa isang hotel dito sa lungsod ay ibinahagi ni G. Jamil Olermo, halal expert at founder ng Halal Resource Center ang kanyang mga kaalaman hinggil sa halal.
Ang Cotabato city bilang nangangarap na maging halal hub ay naghahanda na upang isulong ang minimithi nito na maging sentro ng halal production and trading sa central Mindanao at maging sa buong bansa.
Facebook Comments