Pinangunahan ngayong araw ni Datu Abdullah Sangki Mayor Datu Pax Ali Mangudadatu ang ribbon cutting sa dalawang proyektong ipinatayo sa bayan. Kabilang na rito ang Centralized Material Recovery Facility (CMRF) at Halal Public Market.
Sinasabing magiging malaking tulong ang CMRF hindi lamang para sa mga taga DAS maging sa mga kalapit bayan at lalawigan. Sa pamamagitan ng CMRF , ang mga basurang itinatapon ay muling mapapakinabangan, katulad na lamang ng mga plastic na mairerecycle sa bricks ayon pa kay Mayor Datu Pax. Makakapagbigay rin aniya ng karagdagan trabaho ang CMRF .
Isa rin aniyang tulong para sa pagpapanatili ng magandang kalikasan ang proyektong ito giit ng batang Alklade.
Samantala, lubos rin ang kasiyahan ng mga residente ng DAS , matapos maipatayo ang Halal Public Market. Hangad ng LGU DAS na maging modelo hindi lamang para sa Maguindanao maging sa buong BARMM, lalo na sa pagpapatayo ng proyekto na nasa tamang time frame. Matatandaang, noon lang August 3 ngayong taon ng isinagawa ang ground breaking ng CMRF at Public Market.
Bisita sa okasyon ngayong araw si Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu, mga opisyales ng lalawigan kabilang na si BARMM BM President Datu Sharifudin Mastura, ilang Local Chief Executives ng probinsya, at mga opisyales mula MILG at MENRE BARMM
Halal Public Market at Centralized Material Recovery Facility binuksan sa Maguindanao
Facebook Comments