Halal Slaughterhouse sa Cotabato city, functional!

Gumagana ang Halal Slaughterhouse sa cotabato city.
Ito ang tugon ng Cotabato city y government sa mga espekulasyon na hindi ito nag-o-operate.
Napag-alaman na mula alas 9:00 ng gabi hanggang hating-gabi ang operasyon ng halal slaughterhouse kung kailan isinasagawa ang pagkatay ng mga baka, carabao at kambing ng mahigit 12 butchers upang kaagad na mai-deliver sa mga meat vendor sa wet market pagsapit ng alas 4:00 ng madaling araw.
Upang masiguro na Halal ang mga karne na nakakarating sa mga palengke sa syudad, pinapaliguan muna ang mga kakataying hayop bago ipasok sa pasilidad, doon ay isinasagawa ng Ustadz ang “Sumbali”, sinusuri din muna ang external organs ng mga kinatay upang matiyak na hindi ito kontaminado ng mikrobyo dahil kung nagkataon ay ire-reject na ito at hindi na ipo-proseso.
Ang hALAL- slaughterhouse sa Cotabato City ang tanging nasertipikahang Double A hALAL- slaughterhouse sa buong bansa.
Noong 2017, lumaki ang income nito na umabot ng 120%.

Facebook Comments